BAGUIO CITY --- Isang kagawad ng Sangguniang Kabataan at kasamahan nito ang naaresto ng mga pulis sa naturang lungsod, kamakailan.
Kinilala ni Baguio City Police Director Allen Rae Co, ang nadakip na si Kenneth Bryan Aberin Balalang, 23, SK kagawad Barangay Poliwes at kabilang sa Street Level Individual (SLI) at buddy nitong si Estioco Cordova, 21.
Ayon kay Co, si Balalang at kasama nito ay nasakote sa buy-bust operation sa Barangay Poliwes nitong Mayo 24. Nasamsam sa kanya ang 15 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ngP1,500.00.
Sa ikalawang operasyon ng pulisya, nakilala naman ang tatlo pang umano' 'y drug personalitysina Grail Ologen Manalang, 42, vendor; Kristoffer Panaligan Ramos, 37, tattoo artist at Danilo Villados Dumagcao, 41, driver.
Dinampot aniya ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at PhilippineDrug Enforcement Agency ang tatlo sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Rimando Street matapos silang masamsaman ng droga nitong Mayo 26.
Ang mga ito ay nahaharap sa kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Zaldy Comanda