Mabenta ang Kapuso star na si Sanya Lopez sa Tiktok.

Ngayong linggo kasi, umabot na sa 10 million ang followers nito sa video-sharing app.

Aminado si Sanya, na nagulat siya nang makita ang malaking itinaas ng bilang ng subscribers sa kanyang Tiktok account, @sanya_lopez.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Sanya (IG photo)

“Nagulat po ako nung sabihin nila na marami na akong followers sa TikTok. Hindi ko po expected talaga na mangyayari ito. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang yung paggawa ng TikTok, so I’m happy to see na nag-e-enjoy sila,” ani Sanya.