ASINGAN, Pangasinan - Tinatayang aabot sa P1 milyon ang nasalanta nang tamaan ng buhawi ang apat na barangay sa naturang bayan, kamakailan.

Bukod saBgy. Carosucan Norte, naapektuhan din nito ang Bgy. Calepaan, Toboy at Macalong, ayon kay Asingan-Public Information Officer Romel Aguilar.

Nawasak aniya ng buhawi ang mga bahay at poste ng kuryente na nagdulot ng pangamba sa mga residente.

Kinumpirma naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez, Jr. ang pamamahagi nila ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng pagtama ng buhawi.

Binigyan din sila ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development.

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!

Liezle Basa Iñigo