Dati na silang na-isyu.

Bagamat kapwa nila itinanggi ang bagay na ito, tila makalipas ang ilang taon ay marami pa rin ang nag-aabang sa kung ano ang masasabi ni Janice de Belen kay Gerald Anderson.

Sa isang guesting sa “Magandang Buhay,” ikinumpara ni Janice si Gerald sa bangus.

Aniya, “Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus. Kaya lang matinik.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Matinik kasi parang ang daming isyu,” dagdag ng aktres.

Janice at Gerald

Sa dating isyu na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Maja Salvador, inamin ni Janice na nakaapekto talaga ito sa kanilang friendship.

“The thing is, ang hirap sa trabaho natin kasi kapag na-tsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys frienship. Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed,” paliwanag niy.

Nilinaw rin ni Janice na parang kapatid ang turing niya kay Gerald.

“He is really like a brother to me. Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagkukuwentuhan namin ang kahit ano,” pagbabahagi pa ni Janice, na ganoon din, aniya, sa mga kaibigan ni Gerald na sina Enchong Dee at Rayver Cruz.

“Kaya nga ‘di ko alam kung bakit naging issue kami,” giit pa ng aktres.