First love ni Kim Molina ang maging singer tulad ng iniidolong Sarah Geronimo. Gayunman, nakita ng Viva ang kanyang potential bilang komedyante at isinabak siya sa pelikula. At hindi naman sila nagkamali dahil hit agad ang tambalan nila ni Jerald Napoles (boyfriend niya sa tunay na buhay), ang “Jowable.”

Sa bagong movie na “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” ginagampanan ni Kim ang karakter ng isang taong may rare na karamdaman na congenital at insensitive sa pain.

Samantala, pitong taon na magkasintahan sina Kim at Jerald at kapwa late bloomers ng pasukin ang showbiz . Sa ngayon raw walang balak magpakasal ang dalawa.

Sa gitna ng pandemya ay abala sila sa paggawa ng pelikula, “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” ay maaaring mapanood sa KTX.PH, iWantTFC, SKY PPV, Cignal PPV at Vivamax.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Remy Umerez