Deretsahang sinagot ni Kim Molina ang ilang netizens na bumabatikos sa itsura ng kanyang boyfriend na si Jerald Napoles.

“Panget ang putcha! Mukhang basurero hahaha,” komento ng isang user sa post ng aktres kung saan ibinahagi nito ang action figure ng kanyang boyfriend.

Mabilis ni reply ni Kim: “May problema ka sa mga basurero? Walang masama sa marangal na trabaho ng mga yun.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Jerald at Kim (mula sa IG)

Bago ito, sinagot din ni Kim ang isang netizen na umaatake sa kanyang personal appearance.

“Public figures? Yes. Do we chat comment with our followers? Hindi man kayanin sa lahat pero YES we try as much as we can. Ganun pa man hindi ibig sabihin na pwede na kaming bastusin ng ganun ganun lang. Be grateful I crossed out your full name. Next time someone acts disrespectful, better unfollow or I WILL CALL YOU OUT. I will not tolerate hate and negative influence on my page. Good vibes lang, bawal bastusan. This goes out to Jerald Napoles’ and our joint account KimJe as well. Have a good day, mga lods,” post ni Kim kasama ang hashtag: “#ThinkBeforeYouClick.”

Stephanie Bernardino