Under observation ngayon ang isang 23-anyos na babae sa isang ospital sa Italy matapos tumanggap ng apat na doses ng Pfizer vaccine dahil sa error, iniulat ng

news agency AGI nitong Martes.

Nasa mabuting kondisyon na ang babae matapos bigyan ng fluids at paracetamol matapos ang injection nitong Linggo.

Sa halip na isang dose ang ibigay sa estudyante, nagkamali ang nurse at naiturok ang buong vial, na katumbas ng apat na doses.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Limitado lamang sa apat na doses ang mga naunang pag-aaral hinggil sa overdose sa bakuna ng Pfizer.

Naipagbigay-alam na sa medicine regulator ng Italy ang naturang insidente.

Una nang naiulat ang kaso ng overdose sa Pfizer vaccine sa United States, Australia, Germany and Israel.

Agence-France-Presse