Sa halip na magkaroon ng bagong friends at followers, mukhang new enemies ang nakuha ni Donnalyn Bartolome sa pag-organize ng laro na may P1 million prize.

Ito’y matapos punahin ni Marco Gumabao at Super Tekla, na kapwa pumayag na sumali sa game na “Last to leave the pool wins 1 million pesos,” ang rules nito matapos silang ma-disqualified.

Dahil sa lumalaking gulo, sa huli ay binura na lamang ni Donnalyn ang video.

Pero hindi nito ipinaliwanag ang buong kaguluhan sa fans via Facebook.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa dalawa, sumali rin sa game sina Donita Nose, at content creators Albert Nicolas aka Asian Cutie at Mika Salamanca.

Say ni Donnalyn, “Deleted na yung vlog okay na tayo? 1M yunn. 1M. 1 Million pesos galing sa akin mismo yung pera na yun. Tingin niyo madali lang ibibigay ang 1M? Malamang may ahas at crocodile dun kaya mas okay magsialisan na lahat sa pool, nangangagat talaga yung mga buwaya na yun. Kaya nga tayo may waiver at medic kasi unsafe. Kaya ko doblehin yang 1M na yan making content with you guys, kikitain natin yan kahit di kayo manalo so sana walang pikunan. (heart broken emoji)”

Dagdag pa ni Donnalyn: “Sayang friendship grabe…”

“LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS tapos kailangan bawal new rules? Pwede umakyat sa railing for like 30 seconds and still be in the game? Come on.”

Tinutukoy niya rito si Marco, na umalis ng tubig at naupo sa gilid ng pool matapos ilagay ang crocodile.

Nilabag din ni Tekla ang isa pang rule at na-disqualified.

Giit ng komedyante, “Late ka nagsabi ng rules. Dapat bago mag-start clear lahat ng rules kasi kompetensiyun ito. It’s unfair.”

Sumang-ayon naman dito si Marco.

“Ang daya…hindi nga na explain yung rules kanina nang maayos.”

Tugon ni Donnalyn, “Pina-prank ba nila ako? Sinabi naman yung rule ah. Tsaka totoo naman in-out natin si Donita duon, dapat ganun din kay Marco.”

Tila dismayado, nag-goodbye na si Marco habang rolling pa ang camera.

Sinundan ito ng paglabas ng text na: “Dear Marco and Tekla. I heard everything through our pet CCTV.”

May sinabi kaya sina Marco at Tekla kay Donnalyn?

Ano sa palagay niyo?

Stephanie Bernardino