Kung inaakala mong nawala na ang curves ni Gretchen Baretto, na nagpasikat sa kanya noong ‘90s, think again.

Ibinahagi ng 51-anyos na hot mama ang ilang videos niya na naka-bikini kamakailan sa personal profile nya Instagram,

Walang duda, kering-keri ngtita mo.

Sa video, suot ni Greta ang isang makulay one piece bikini, habang ine-enjoy ang malamig na beer.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://www.instagram.com/p/COrJcEwJ99G/?utm_source=ig_web_copy_link

Bahagi ito ng kanyang celebration ng Mother’s Day kasama si Dominique, ang unica hija nila ni Tony Boy Cojuangco.

Sa kabila ng hindi maayos na focus ng camera, aakalain mong nasa 25 lang dating aktres.

Ilan sa mga comments ang:

“Grabe! Bampira yata itong si Greta, hindi tumatanda!”

“Hay naku! So beautiful pa rin. How to be you po??”

“Gorgeous Greta!”

“Ang kinis! No wrinkles at all! Ikaw na!”

Neil Ramos