Ibang level ng pang-aaliw ang pinasok ngayon ng dating “Bidaman” finalist sa It’s Showtime.

Pagbebenta ng kanyang private videos sa ilang kliyente online, ang pinagkakakitaan ni Jervy delos Reyes.

Mismong si Jervy ang nagbahagi ng kanyang bagong career sa vlog ni Ogie Diaz

Pag-amin nito, “depression” ang nagtulak sa kanya upang subukan ang trabahong ito.

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?

Nais din, aniyang, maging “independent” financially.

Sa ngayon, maayos naman ang takbo ng kanyang bagong career, kung saan may higit 300 subscribers na siya.

Sa usapin naman ng presyo ng kanyang videos, kailangang magbayad ng P1,500 para mapanood siya.

Aminado si Jervy na naba-bash siya ngayon dahil sa kanyang ginagawa.

Maging ang magulang niya, ay nagalit umano sa kanya.

Nangako naman ang Bidaman finalist na pansamantala lamang ito.

At sa ngayon, kailangan muna niyang ipagpatuloy ang pinasok niyang karera.

Neil Ramos