Umabot na sa international ang viral meme ni Maris Racal.

Lumabas sa official social media account ng Buzzfeed, isang American Internet media, news and entertainment company na naka-focus sa digital media, ang meme.

Kuha ang larawan mula sa trending video ni Maris kung saan dumaranas ito ng “emotional breakdown” habang nagta-type sa laptop.

Na-featured din ang kaparehong post sa Twitter account ng JOOX Thailand.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sunod-sunod ang pagte-trending ng teen actress nitong mga nakaraang buwan.

Kabilang dito ang kanyang bikini photo kasama ang aktres na si Sue Ramirez, na maliciously edited.

Kumalat din ang rumor hinggil sa relasyon umano nina Maris at Rico Blanco matapos lumutang ang kanilang palitan ng sweet messages.

Nitong nakaraang buwan, excited namang ibinahagi ng aktres ang kanyang latest milestone.

At nag-trending din ang kanyang rapping skill, kamakailan.

Stephanie Bernardino