Isang malaking segment ng Chinese rocket na bumalik sa Earth atmosphere, ang naghiwa-hiwalay sa bahagi ng Indian Ocean nitong Linggo, pahayag ng Chinese space agency, kasunod ng mga espekulasyon kung saan babagsak ang 18-toneladang bagay.

Sinabi ng mga officials ng Beijing na nagkaroon ng “little risk from the freefalling segment” ng Long March-5B rocket, na naglunsad sa first module ng bagong space station ng China sa Earth orbit noong Abril 29.

"After monitoring and analysis, at 10:24 (0224 GMT) on May 9, 2021, the last-stage wreckage of the Long March 5B Yao-2 launch vehicle has reentered the atmosphere," pahayag ng China Manned Space Engineering Office, kasama ng pagbibigay ng direksyon kung saan sa bahagi ng Indian Ocean bumagsak ang segment.

Idinagdag din nito na karamihan ng bahagi ay nahiwalay at nasira sa re-entry.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kinumpirma na rin ng monitoring service Space-Track, na gumagamit ng US military data, ang re-entry.

"Everyone else following the #LongMarch5B re-entry can relax. The rocket is down," tweet nito.

Tumugma naman sa binagsakan ng segment ang prediksyon ng ilang eksperto na anumang debris ay maaaring pumatak sa pahagi ng karagatan, lalo’t 70 porsiyento ng planeta at nababalot ng tubig.

Gayunman, ang “uncontrolled re-entry” ng malaking bagay na ito ay nagdulot ng pangamba hinggil sa posibleng pinsala at pagkamatay, sa kabila ng mababang tiyansa.

Kabilang ang American at European space authorities sa nagbabantay sa kabilang orbits upang matukoy kung kailan at saan ito maaaring pumatak.

Sinabi ni Defense Secretary Lloyd Austin, na walang plano ang US military “to shoot it down,” bagamat isinaad nito na “China had been negligent in letting it fall out of orbit.”

Noong nakaraang taon, ilang debris mula sa isa pang Long March rocket ang pumatak sa villages sa Ivory Coast, na nagdulot ng structural damage.

"An ocean reentry was always statistically the most likely," tweet ni Harvard-based astronomer Jonathan McDowell.

"It appears China won its gamble (unless we get news of debris in the Maldives). But it was still reckless."

Una nang ipinayo ni McDowell na dapat i-redesign ng China ang Long March-5B upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Agence-France-Presse