May 30, 2026

Home BALITA Internasyonal

US, Iran nagkasundo sa pansamantalang 60 na araw na ceasefire!

US, Iran nagkasundo sa pansamantalang 60 na araw na ceasefire!
Photo courtesy: File Photo

Nagkasundo ang mga negotiator ng mga bansang Estado Unidos at Iran para magsagawa ng pansamantalang tigil-putukan sa loob ng tatlong buwan o 60 na araw. 

Matatandaang mahigit tatlong buwan na rin mula noong Pebrero 28, 2026, nang opisyal na ianunsyo ni US President Donald Trump ang kanilang major combat operation laban sa Iran. 

KAUGNAY NA BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!

Ayon naman sa mga lumabas na ulat mula sa mga international news media outlet, partikular sa Associated Press, nitong Biyernes, Mayo 29, mababasang opisyal na nagkaroon ng pansamantalang tigil-putukan ang mga naturang bansa. 

Anila, layunin din daw ng naturang ceasefire ang masimulan ang round of talks o mga pag-uusap ng US at Iran kaugnay sa nuclear program ng huli. 

Internasyonal

4 astronauts ng Artemis III, nakatakdang ianunsyo sa Hunyo 9

Base sa ulat ng AP, hindi raw agad kinumpirma ng Iran ang nasabing kasunduan, ngunit opisyal na itong kinumpirma ni US Vice President JD Vance noong Huwebes (araw sa US), Mayo 28. 

Batay umano kay Vance, wala pa nga lang daw kasiguraduhan kung pipirmahan ni Trump ang ang pansamantalang kasunduan ng tigil-putukan. 

“It’s hard to say exactly when or if the president’s going to sign,” ani Vance sa mga reporter sa US. 

Dagdag pa niya, “We’re going back and forth on a couple of language points.”

Bukod dito, matatandaang hindi ito ang unang beses kung saan sinubukang gumawa ng kasunduan ng naturang mga bansa. 

Isa kasi sa mga naging pangunahing epekto ng giyera ng mga US at Israel laban sa Iran ay ang pagsasara ng Strait of Hormuz na may malaking papel sa produksyon ng langis sa buong mundo. 

Matatandaang pinangunahan naman ng Pakistan ang Islamabad Talk sa pagitan ng mga nag-aalitang bansa noong Abril 2026 kung saan dinaluhan ito ng kani-kanilang mga delegado. 

Ngunit bigong magkaroon ng mahalagang kasunduan ang mga naturang bansa dahil na rin hindi sila pumayag sa kani-kanilang interes kaugnay sa paglilimita ng US sa nuclear plant ng Iran at pagnanais ng Iran na magkaroon ng buong kontrol sa Strait of Hormuz. 

KAUGNAY NA BALITA: 'We're blowing everything away!' Trump, tatapusin na raw giyera sa Iran!

KAUGNAY NA BALITA: Iran, dedma na sa 'peace talks' sa US!