April 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iran, dedma na sa 'peace talks' sa US!

Iran, dedma na sa 'peace talks' sa US!
Photo courtesy: via AP News

Wala na umanong balak pang maglaan ng oras ang Iran para makipag-peace talks sa United States.

Ayon sa state news agency ng Iran na IRNA noong Linggo, Abril 19, 2026, masyadi raw "excessive" ang hinihingi ng US sa naturang peace talks. Pinuna rin ng Iran ang naval blockade ng US Navy sa Strait of Hormuz, dahilan upang muli itong isara ng Iran.

Samantala, sa hiwalay na social media post, binira naman ni US President Donald Trump ang umano'y naging pag-atake ng Iran sa isang barkong malapirt sa Strait of Hormuz at iginiit na malinaw paglabag daw ito sa ceasefire.

KAUGNAY NA BALITA: Iran, muling isinara ang Strait of Hormuz dahil sa patuloy na blockade ng US

KAUGNAY NA BALITA: Pakistan PM, inanunsyo ceasefire ng Iran, US at iba pa!

Internasyonal

'The Iranian crew refuse to listen!' US, inatake cargo ship ng Iran

"Iran decided to fire bullets yesterday in the Strait of Hormuz- a total violation of our ceasefire agreement," ani Trump noon ding Linggo.

Matatandaang noong Abril 12 nang inihayag ni US Vice President JD Vance na hindi naging matagumpay ang nauna nilang peace talks ng Iran na ginanap sa Pakistan matapos umano silang hindi nagkasundo sa negosasyong kani-kanilang inilatag.

“The bad news is that we have not reached an agreement, and I think that’s bad news for Iran much more than it’s bad news for the United States of America,” ani Vance sa pagharap niya sa media sa Pakistan.

Dagdag pa niya, “So we go back to the United States having not come to an agreement. We’ve made very clear what our red lines are.“

Sinabi rin ni Vance na ilang ulit niyang nakausap si US President Donald Trump sa panahon ng negosasyon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Bad news for Iran!' US, kinumpirmang olats ang negosasyon nila sa Iran