April 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pakistan PM, inanunsyo ceasefire ng Iran, US at iba pa!

Pakistan PM, inanunsyo ceasefire ng Iran, US at iba pa!
Photo courtesy: Pakistan PM Shehbaz Sharif (X), MB FILE PHOTO, Freepik

Inanunsyo sa publiko ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif ang tigil-putukan ng mga bansang Iran, United States at iba pang mga kakampi nito. 

Ayon sa naging pahayag ni Sharif sa kaniyang “X” account nitong Miyerkules (araw sa Pilipinas), Abril 8, tila masaya niyang ibinahagi sa publiko ang naging kasunduang tigil-putukan ng mga nasabing bansa. 

“With the greatest humility, I am pleased to announce that the Islamic Republic of Iran and the United States of America, along with their allies, have agreed to an immediate ceasefire everywhere including Lebanon and elsewhere, EFFECTIVE IMMEDIATELY,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Pakistan PM Shehbaz Sharif (X)

Screenshot mula sa post ni Sharif.

Ani Sharif, nagpapasalamat umano siya sa mga pinuno ng mga nasabing bansa sa pagpayag sa naturang kasunduan at inimbitahan umano nila ang mga delegado ng mga ito sa gaganaping “Islamabad Talk” sa darating na Biyernes, Abril 10, 2026 upang magkaroon pa sila ng mas maayos na negosasyon. 

Internasyonal

'The Iranian crew refuse to listen!' US, inatake cargo ship ng Iran

“I warmly welcome the sagacious gesture and extend deepest gratitude to the leadership of both the countries and invite their delegations to Islamabad on Friday, 10th April 2026, to further negotiate for a conclusive agreement to settle all disputes,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, nagpakita umano ng pag-unawa ang mga magkabilang panig sa kasunduang itigil ang digmaan at mas isulong ang kapayapaan. 

“Both parties have displayed remarkable wisdom and understanding and have remained constructively engaged in furthering the cause of peace and stability,” saad niya. 

“We earnestly hope that the ‘Islamabad Talks’ succeed in achieving sustainable peace and wish to share more good news in coming days!” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nagbabala si US President Donald Trump sa Iran noong Miyerkules, Abril 7, na maaaring “mamatay ang isang buong sibilisasyon ngayong gabi” kung hindi tutugon ang Iran sa itinakdang deadline para sa isang kasunduan, kabilang ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, na pangunahing chokepoint sa kalakalan ng langis.

Ipinahiwatig din ni Trump na maaaring sirain ng US ang mga tulay at power plants sa Iran kung hindi agad maaayos ang sitwasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Ipinahiwatig din ni Trump na maaaring sirain ng US ang mga tulay at power plants sa Iran kung hindi agad maaayos ang sitwasyon. 

Matapos nito, muli namang nag-post si Trump sa kaniyang Truth Social account nitong Miyerkules, Abril 8, at sinabi niyang sumang-ayon siya sa hiling nina Sharif na huwag ituloy ang babala sa Iran. 

Ani Trump, ititigil ng US ang pag-atake sa kalabang bansa na tatagal sa loob ng dalawang linggo. 

“I agree to suspend the bombing and attack of Iran for a period of two weeks. This will be a double sided CEASEFIRE!” anang US President. 

KAUGNAY NA BALITA: Trump, trip tumakbong Pangulo sa Venezuela?