Maari na uling magsimula ng kanilang ensayo partkular ng kanilang "scrimmages" ang mga PBA teams simula sa darating na Mayo 18 matapos silang bigyan ng pahintulot ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong Biyernes.

Pinayagan ang PBA na makapagdaos ng kanilang ensayo sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Isa itong malaking development para sa plano at hsngad ng liga na maidaos ang kanilang 46th Season sa gitna ng dinaranas ng bansa at ng halos buong mundo na pandemya.

“Kung magsisimula tayo by 10, siguro by May 18, baka magsisimula na tayo,” pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa isang virtual press conference.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nananatili namang nasa ilalim ng ipinatutupad na mahigpit na health protocols ng Games and Amusement Board, ng local government kung saan gaganapin ang ensayo at ng liga mismo ang mga isasagawang scrimmages.

Nakatakdang makipagpulong si Marcial sa mga coaches at team managers sa susunod na linggo upang talakayin ang mga bagay-bagay partikular ang mga updated na safety measures.

“Magtatawag ako ng meeting with the coaches, the players, team managers next week para malaman namin ‘yung mga protocols.”

“Meron kaming bagong sistema para sa testing. Kailangan seven days before, na-swab ka, two days before na-swab ka na — at nasa amin ang resulta. Kung walang resulta, hindi makakalaro,”dagdag ni Marcial.

Lahat ng 12 PBA teams ay maaari ng magsagawa ng  5-on-5 practices sa mgalugar na may umiiral na maluwag na community quarantine.

Isa sa napiling pagdausan ng ensayo ang Batangas City kung saan may na inspeksiyon ng tatlong posibleng venues ang liga na kinabibilangan ng Batangas City Coliseum, Lyceum of the Philippines University-Batangas gym at Batangas State University gym.

Ayon kay Marcial, nasa diskresyon na ng mga teams kung saan nila gustong mag-ensayo basta't susunod lamang sila sa itinakda ng IATF, ng GAB at ng liga.

“Walang problema. Kailangan lang approval ng JAO [Joint Administrative Order], ng GAB, at ng LGUs [local government units], at protocols natin,” wika pa ni Marcial.

Marivic Awitan