ALCANTARA – Umukit ng kasaysayan si MJAS Zenith-Talisay's Jaymar Gimpayan nang tanghaling Most Valuable Player sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup's Visayas leg nitong Biyernes.

Sa maiksi at simpleng seremonya sa Alcantara Civic Centre sa Cebu, nakuha ng 6-foot-2 small forward at ipinagmamalaki ng Our Lady of Fatima University, ang pinakamataas na indibidwal honor sa kauna-unahang professional basketball league sa South.

"Hindi ko ineexpect ito dahil talagang hard work lang talaga ginawa ko sa bawat laro," pahayag ng premyadong cager mula sa Oleras, Northern Samar.

"Dine-dedicate ko ito sa kuya ko na talagang nagtulak sa akin na maglaro ng basketball at makipagsapalaran sa Maynila. Nagpapasalamat din ako sa mga teammates ko dahil hindi nila ako iniwan dito sa bubble. Talagang pamilya na turi nila sa akin. Kasama ko sila sa hirap at saya dito,” aniya

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Nakamit ng 25-anyos na si Gimpayan, ang kabuuang 416 puntos, tampok ang 333 statistical points (1st), 18 mula sa player votes (2nd), 25 sa media votes (1st), at 40 votes (1st) sa VisMin office.

Malaki ang kontribusyon niGimpayan sa impresibong 10-game sweep ng Aquastars sa double-round elimination, tangan ang averaged 12.5 points (8th), 8.9 rebounds (3rd) at 1.1 assists.

Semugunda sina Tubigon Bohol's homegrown guard Joseph Marquez at big man Pari Llagas na may nakuhang 358 at 301, puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kasama rin ni Gimpayan sa All-Visayas team sina MJAS-Talisay point guard Paulo Hubalde at center Jhaymo Eguilos; at CS-Mandaue's Gryann Mendoza.

Nanguna si Marquez sa scoring na may 16.9 points per game, habang No. 6 sa rebounds (8.0) at No.7 sa assists (3.5). Nanguna naman si Hubalde sa assist (7.2) at may averaged 6.1 puntos at 5.1 rebounds, habang si Eguilos ay may averaged 8.3 points, 7.3 rebounds, 1.5 blocks, at 1.5 assists.

Tinanggap naman ng ARQ Builders Lapu-Lapu ang runner-up trophy. Natalo ang Lapu-Lapu ng Mandaue sa win-or-go-home semifinals match nitong Miyerkoles, 64-74.