July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Volunteer teacher, dedbol nang madamay sa pananambang sa tropa ng militar!

Volunteer teacher, dedbol nang madamay sa pananambang sa tropa ng militar!
Photo courtesy: Unsplash

Dead on arrival na nang naisugod sa ospital ang isang 23-anyos na volunteer teacher matapos siyang madamay sa pananambang sa tropa ng Philippine Army sa Lanao del Sur noong Sabado, Hunyo 27, 2026.

Ayon sa mga ulat, sakay ng payong-payong ang biktima nang tamaan siya ng bala ng baril sa likod ng kaniyang ulo, na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Batay sa imbestigasyon, mismong residente sa lugar ang biktima at isang ganap na lisensyadong guro.

Bagama't volunteer teacher, siya ay nagtuturo sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE-BARMM.

Ayon pa sa mga awtoridad, nadamay ang biktima sa pananambang sa convoy ng Philippine Army na noo'y pauwi na rin sana matapos magsagawa ng area security operation.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Isang sundalo rin mula sa hanay ng militar ang napaulat na nasawi habang sugatan naman ang driver ng sasakyan.

Sinasabing aabot sa 10 armadong mga lalaki ang umaatake at nakipagpalitan ng putok sa militar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton at matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.