July 23, 2026

Home FEATURES Trending

'Life is not a race,' minsan motto lang ng mga taong walang balak gumalaw sa buhay?

'Life is not a race,' minsan motto lang ng mga taong walang balak gumalaw sa buhay?
Zac Alviz (FB)/Pixabay

Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang social media content creator na si Zac Alviz matapos niyang magbahagi ng kontrobersiyal na pananaw tungkol sa tagumpay at pag-abot ng mga pangarap sa buhay.

Sa isang social media post noong Hunyo 25, iginiit ni Zac na hindi siya lubos na sang-ayon sa madalas na kasabihang "life is not a race."

Aniya, may mga pagkakataon umanong ginagamit lamang ito ng ilang tao bilang katwiran upang hindi kumilos o magsikap para sa kanilang mga mithiin.

"Life is a race. Wag kang masyadong maniwala sa nagsasabing 'life is not a race,' minsan motto lang yan ng mga taong walang balak gumalaw sa buhay," saad niya.

Photo courtesy: Screenshot from Zac Alviz (FB)

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

Dahil sa naging matinding diskusyon sa social media, agad namang nilinaw ni Zac na hindi para sa lahat ang kaniyang pananaw.

Sa hiwalay na pahayag, na nasa comment section, sinabi niyang ang naturang mindset ay pangunahing para sa mga taong may malalaking pangarap, mga breadwinner, at sa mga nagnanais na makaahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Ipinaliwanag niya na wala namang masama sa pagpili ng mas tahimik o komportableng pamumuhay kung iyon ang nais ng isang tao.

Ayon kay Zac, wala ring obligasyon ang sinuman na maging matagumpay ayon sa pamantayan ng iba o maghabol ng malalaking ambisyon kung hindi naman iyon ang kanilang personal na kagustuhan.

Gayunman, naniniwala siyang maaaring makatulong ang kaniyang pananaw sa mga taong may mabibigat na responsibilidad at determinasyong baguhin ang kalagayan ng kanilang pamilya.

Dagdag pa niya, ang kaniyang mensahe ay para sa mga indibidwal na may mga layunin at responsibilidad na mas malaki kaysa sa kanilang personal na kaginhawahan.

"Warning: this mindset is mainly for ambitious people with big goals, breadwinners, and those who genuinely want to break the cycle of poverty in their family," aniya.

"Kung mahilig kang magpahinga, walang problema doon. Wala ka namang moral obligation to be successful, chase something big, or prove anything to anyone. Buhay mo yan, and you’re allowed to live it your way."

"But if you have goals, dreams, and responsibilities bigger than your comfort, then this mindset might work for you. Disclaimer lang," aniya pa. 

Photo courtesy: Screenshot from Zac Alviz (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Grabe namang mindset yan, Zac. Sana okay ka pa. May tao bang walang balak gumalaw sa buhay? Lahat naman meron, baka kase di mo nakikita ang maliliit nilang effort dahil masyado kang nakapokus sa mga nauuna sayo. Let that sink in."

"Life may be a race, but not everyone starts at the same line, carries the same weight, or runs the same distance. The real goal is not to outrun everyone else but to keep moving forward and become better than who you were yesterday."

"It’s not a race. It is a Marathon! Talo ang mga tumitigil. Talo yung mga nagmamadali, bumagsak at di na bumangon. Panalo ung mga bumagsak at nagtuloy tuloy."

"the moment you treat life like a race, your already a loser."

"Masyado mo pinepressure ang mga tao. Bawat tao may kanya kanyang pinagdadaaanan sa buhay. Eenjoy na lang ang journey sa buhay."

Dahil dito, naging sentro ng talakayan online ang pananaw ni Zac. May mga netizens na sumang-ayon at nagsabing mahalaga ang pagiging agresibo sa paghabol ng mga pangarap lalo na para sa mga breadwinner, habang may ilan ding nanindigang magkakaiba ang takbo ng buhay ng bawat tao at hindi dapat gawing sukatan ng tagumpay ang bilis ng pag-unlad.

Noong Hulyo 2025, minsan na ring nag-viral si Zac matapos ang naging post niya tungkol sa condominium investment, sa kasagsagan ng mga kalamidad lalo na kapag malakas na pag-ulan o bagyo. 

Maki-Balita: Rendon Labador, binengga insensitibong content creator: 'Magpa-facial muna!'

Agad naman siyang humingi ng paumanhin tungkol dito.

Maki-Balita: Zac Alviz, nag-sorry matapos 'puksain' sa condo investment post sa kabila ng kalamidad