July 09, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Bato, aarestuhin ng PNP, 'pag sumipot sa impeachment trial ni VP Sara

Sen. Bato, aarestuhin ng PNP, 'pag sumipot sa impeachment trial ni VP Sara
Photo courtesy: MB file photo

Tahasang iginiit ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda silang arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kung sakaling bigla siyang lumitaw sa pagratsada ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa press briefing ni PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, iginiit niyang gagawin ng pulisya ang mandatong nakapataw raw sa kanilang hanay.

"We are mandated to effect the arrest of Senator Bato," ani Co.

Giit pa niya, "If he will be appearing therein, our police force will arrest him."

Matatandaang noong Mayo 11 nang biglaang sumulpot noon sa Senado si Dela Rosa matapos ang kaniyang anim na buwang pagtatago, upang makasamang bumoto sa mga senador na magpapatalsik sa noo’y liderato ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III at pinalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Politics

Kiko Barzaga, muling sinampal ng 'cyber libel' case!

KAUGNAY NA BALITA:‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato

Habang noong Mayo 13 nang tuluyang tumakas si Dela Rosa matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) at tauhan ng Office of Sergeant-At-Arms (OSAA).

Si Dela Rosa ay kasalukuyang nagtatago matapos maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa kinahaharap niyang kaso na crimes against humanity, kaugnay ng naging madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.