Sa pagpasok ng Hunyo, namayagpag ang mga bahagharing watawat upang ipagdiwang ang Pride Month.
Isa sa mga kumilala sa komunidad ng LGBTQIA+ ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan binanggit niya na sa pamamagitan ng kanilang talento, serbisyo, at paninilbihan, ay natulungan ang progreso ng bansa.
“The LGBTQIA+ Community has long helped shape our country's progress through its talent, service, and leadership. To overlook these contributions is to deny an essential part of the Filipino story,” ani PBBM.
Hiling pa ng Pangulo, mamuhay ang bawat miyembro ng komunidad na hindi kinakailangang ikubli ang kanilang pagkakakilanlan upang matanggap at intindihin sa lipunan.
Dahil ang tunay na progreso ng isang bansa ay nasusukat sa mga mamamayang nakapapamuhay sa kanilang potensyal at nang may kaligtasan.
“No one should ever be forced to conceal who they are in order to earn acceptance and understanding. For a true measure of a just and progressive nation lies in how fully it allows every person to live with security, purpose, and belonging,” hiling ni PBBM.
MAKI-BALITA: PBBM, kinilala ambag ng LGBTQIA+ sa bansa
Kaya bilang pakikiisa sa Pride Month, alamin ang mga importanteng termino at gender identities na pumapaloob sa LGBTQIA community:
Sex
Ito ay tumutukoy sa medical term na identidad ng isang indibidwal mula sa kaniyang pagkapanganak.
Halimbawa:
Natutukoy ang sex ng isang tao simula pa lamang sa ultrasound, na isang medical procedure na nagbibigay daan upang makita ng mga magulang ang estado ng sanggol sa sinapupunan.
Sa pagkapanganak, natutukoy din ang biological assignment ng isang indibidwal.
Kung mayroong penis, ito ay lalaki at vagina naman kapag ito ay babae.
Gender/Gender Identity
Isang social construct na tumutukoy sa isang indibidwal bilang lalaki, babae, o iba pang identifier tulad ng agender, transgender, o gender-fluid.
Ito ang tinuturing na “inner sense” ng isang indibidwal bukod pa sa gender binary, na binubuo ng mga kasariang babae o lalaki.
Halimbawa:
Si Carlo, na kinikilala ang sarili bilang straight male, ay gumagamit ng mga pasilidad at nakikilahok sa mga aktibidad na naaayon sa kaniyang kasarian.
Si Mika ay nagpapakita ng pagiging straight female sa pamamagitan ng hairstyle, make-up, accessories, at iba pang paraan ng pag-aayos ng sarili bilang babae.
Gender presentation/expression
Ito ang paraan ng pagpapahayag ng indibidwal sa sarili batay sa kaniyang gender identity.
Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagkilos o pananamit.
Halimbawa: Si Mar ay isang gay pero mas pinili niyang maging masculine pa rin at maging discreet sa kilos at pananamit.
LGBTQIA+
Ang mga letrang ito ay tumatayo sa mga identidad na: Lesbian, Gay, Bisexual,Transgender, Intersex, at Asexual. Ang simbolong “+” ay tumutukoy sa iba pang identidad na hindi partikular na kasama sa acronym na ito katulad ng pansexual, gender fluid, at nonbinary.
Halimbawa:
Ang LGBTQIA+ community ay nagdaraos ng Pride parade tuwing Hunyo upang malayang ihayag ang kanilang pagkakakilanlan sa publiko.
Queer
Ito ang nagsisilbing “umbrella term” na tumutukoy sa sexual orientations at gender identities na bukod pa sa heterosexual o straight at cigender.
Mahalagang tandaan na bawat identidad sa LGBTQIA+ community ay puwede ring makilala bilang “queer.”
Halimbawa:
Ito ang terminong maaaring gamiting pantukoy sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ally
Ito ang mga sumusuporta sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community at tumutulong na ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa lipunan o bansa.
Halimbawa:
Itinuturing na “ally” ni Katrina ang sarili sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community at ipinagtatanggol niya ang kaniyang beki friends laban sa bashers.
Closeted/in the closet
Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na hindi pa hayagang inilalabas ang kanilang identidad.
Halimbawa:
Kahit na hindi pa handang ihayag ni Christine ang kaniyang pagiging lesbian, sinusuportahan niya ang LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng pagpunta sa ilang Pride Month activities.
Coming out
Ito ay itinuturing na boluntaryong proseso ng sexual orientation o gender identity ng isang indibidwal.
Batay sa ilang pag-aaral, ang bawat “coming out” ay iba-iba sa bawat indibidwal at walang mali o tamang paraan para gawin ito.
Halimbawa:
Inihayag na ni Noah sa kaniyang Instagram story ang pagiging gay at kagustuhang mag-transition sa pagiging transwoman matapos itong isikreto ng ilang taon.
Outing/Outed
Ito ay tumutukoy sa inboluntaryo o hindi ninanais na paghahayag sa identidad ng isang indibidwal.
Halimbawa:
Bagama’t hindi pa handa, napilitang sabihin ni Arthur na siya ay isang gay dahil sa mga nakasasakit na pangangantyaw ng ilan niyang kasamahan sa trabaho.
Drag
Ito ay isang gender expression at hindi tumutukoy sa anumang gender identity kaya ang mga gumagawa nito ay hindi partikular na transgender, bagkus, maaari silang matukoy sa iba pang sexual orientation o kaya’y straight.
Ang “Drag Queens” ay mga indibidwal na nagtatanghal suot ang pambabaeng pananamit habang ang “Drag Kings” naman ay mga magtatanghal na mayroong suot na panlalaking kasuotan.
Halimbawa:
Lubos na hinahangaan ng netizens ang mga drag outfits at makeup ng aktor at host na si Paolo Ballesteros dahil sa kaniyang malikhaing pagsusuot nito.
Homophobia
Ito ay tumutukoy sa diskriminasyon at panlulupig sa mga miyembro ng LGBTQIA+.
Halimbawa:
Pinagsabihan si Alvin ng kaniyang malalapit na kaibigan matapos niyang itaboy sa kaniyang tindahan ang isang customer matapos na malaman na lesbian ito.