June 03, 2026

Home BALITA

PBBM, kinilala ambag ng LGBTQIA+ sa bansa

PBBM, kinilala ambag ng LGBTQIA+ sa bansa
Photo Courtesy: Office of the President (FB), Pexels

Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa mga kasapi ng LGBTQIA+ Community bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.

Sa latest Facebook post ng Office of the President nitong Miyerkules, Hunyo 3, mababasa ang pagkilala ng Pangulo sa pagtulong ng LGBTQIA+ sa pag-unlad ng Pilipinas.

“The LGBTQIA+ Community has long helped shape our country's progress through its talent, service, and leadership. To overlook these contributions is to deny an essential part of the Filipino story,” saad ni Marcos, Jr.

Kaya magsilbi sana ang pagdiriwang na ito upang maihatid sa lahat ang malinaw na mensahe na wala dapat Pilipinong makaramdam na sila ay hindi nakikita sa bansang tinulungan nilang buuin.  

Dagdag pa ng Pangulo, “No one should ever be forced to conceal who they are in order to earn acceptance and understanding. For a true measure of a just and progressive nation lies in how fully it allows every person to live with security, purpose, and belonging.”

National

'Sen. Chiz do not believe in what they are fighting for!'—Sen. Erwin

Sa huli, hiniling niya ang makabuluhan at inspiradong pagdiriwang ng Pride Month para sa lahat ng bahagi ng komunidad.

Matatandaang idinaraos  tuwing Hunyo ang Pride Month upang kilalanin ang impluwensya ng LGBTQIA+ sa buong mundo. Gayundin ang 1969 Stonewall Uprising sa Manhattan, na isang tipping point para sa Gay Liberation Movement sa United States.