July 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking ‘di pinautang ng ₱100, nanutok ng baril!

Lalaking ‘di pinautang ng ₱100, nanutok ng baril!
Photo courtesy: Unsplash

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Ilagan City, Isabela, matapos niyang tutukan ng baril ang isang dalagitang hindi nagpautang ng ₱100. 

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Isabela noong Linggo, Hunyo 28, ang suspek na kinilalang si alyas “Ico,” 42-anyos, ay humiram umano ng halagang ₱100 sa dalagita na kinilala naman bilang alyas “Kim.”

Gayunman, dahil nasa ilalim ng impluwensiya ng alak si Ico, bigla siyang nagalit kay Kim nang tumanggi itong magpautang ng pera. 

Kaya kinuha ni Ico ang kalibre .45 na baril mula sa kaniyang backpack at itinutok kay Kim, na naging dahilan upang tumakbo ito at humingi ng tulong sa kaniyang kapatid. 

Ang kapatid naman na tinakbuhan ni Kim ang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay, kaya sa pakikipag-ugnayan ng mga ito sa kapulisan, nagkaroon ng malawakang paghahanap kay Ico. 

Probinsya

Higit ₱62M halaga ng illegal petroleum products, nasamsam; 7 timbog!

Kalauna’y matagumpay na narekober at nakumpiska ng mga pulis kay Ico ang kalibre .45 pistol na walang tatak at serial number. 

Dahil dito, posibleng maharap si Ico sa kasong “Grave Threat” at paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”