July 23, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Hindi lang pang-jowa!’ Mga benepisyong dulot ng yakap sa kalusugan

‘Hindi lang pang-jowa!’ Mga benepisyong dulot ng yakap sa kalusugan
Photo courtesy: Unsplash

Cuddle weather na ulit! 

Ngunit bago humanap ng kayakap na magpapainit sa mauulang gabi, mahalagang tandaan na ang pagyakap ay mayroon ding mga benepisyo sa pangangatawan at mental health. 

Ito’y dahil ayon sa pag-aaral ng Resilience Focused Therapy, ang yakap na tumagal ng 20 segundo ay naglalabas ng “oxytocin” na kinikilala rin bilang “cuddle hormone” na nailalabas ng katawan bilang pagtugon nito sa paghawak. 

Kaya ang pagyakap ay nagkakaroon ng pagbubuo ng koneksyon, tiwala, at emotional safety sa ibang tao. 

Dahil na rin sa oxytocin, napapababa ng pagyakap ang “cortisol” o ang “primary stress hormone” ng katawan, na kapag nasobrahan ang dami ay nakadaragdag sa anxiety,burnout, inflammation o pagkakaroon ng pamamaga, at iba pang pangmatagalang problema sa kalusugan. 

Human-Interest

Friendship burnout?' Mga senyales na nakakapagod na ang pagkakaibigan ninyo

Sa pagsuporta naman ng iba pang pag-aaral, bukod sa mga pangkalusugang benepisyong ito, ang pagyakap ay nakatutulong upang pababain ang tensyon at mga negatibong emosyon matapos ang pagtatalo sa isang relasyon. 

Gayunman, sa kabila ng mga positibong epektong ito ng pagyakap, mahalaga ring tandaan na may mga indibidwal na hindi agad nagiging komportable sa anumang uri ng “physical touch” kaya mainam pa ring magtanong muna o humanap ng iba pang paraan upang maipakita ang pagmamahal at paghanga.