MULING ipinaramdam ni PH chess prodigy Oshrie Jhames "OJ" Constantino Reyes kung bakit isa siya sa pinakamagaling na kiddy player ng bansa ng maitala ang matikas na come-from-behind 9-8 win kontra kay 10 years old Arnel Mahawan Jr. Chess Club Philippines Match Up Series, Blitz Edition nitong Lunes sa lichess.org.

Nasa peligro na matatalo na si Reyes ng makalaman ang karibal sa 4-0, 5-1, 8-4, sa race-to-nine wins, draws not counted, 3 minutes plus 2 seconds increment time control format. Subalit nakopo ni Reyes ang apat na sunod na panalo para maitabla sa 8 all ang laban.

May pagkakataon ng manalo sana si Mahawan subalit hindi niya napansin ang Knight to g4 sacrifice sa 15th moves ng kanilang 17th games na nagbigay daan para manalo si Reyes sa kanilang match.

Kilala sa tawag na OJ sa chess world kung saan ang batang Reyes ay masisilayan din sa semifinals ng National Age Group Chess Championships maging sa National Youth & School Championships ngayon buwan ng Mayo ayon kay Jubail, Kingdom of Saudia Arabia based father and coach Jimmy Reyes.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Makakalaban ni OJ naman sina Yanie Ayesha Estavillo sa Mayo 22 at Megan Althea Obrero Paragua sa Mayo 29, isang chess for a cause project ng Bayanihan Chess Club na layuning makatulong sa mga kapus palad na chess player.