July 07, 2026

Home BALITA

'Keep going, we are behind you!' PBBM proud kay Alex Eala

'Keep going, we are behind you!' PBBM proud kay Alex Eala
Photo courtesy: RTVM/YT, AP via MB


Isang papuri at pagbati ang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Filipino tennis player Alexandra “Alex” Eala, matapos nitong talunin sa ikatlong round ng Wimbledon sa Centre Court noong Sabado, Hulyo 4 ang defending champion ng torneo na si Iga Swiatek ng Poland.

Sa ginanap na Kapihan with the Media nitong Linggo, Hulyo 5 (oras sa Pilipinas), inilarawan ni PBBM si Eala bilang isang “world class” na atleta, na aniya’y inspirasyon sa mga kabataang Pilipino.

“Before I make my statement on the trip, napanood n’yo ba si Alex Eala kanina?” panimula ni PBBM.

Aniya, "She really is becoming a true inspiration especially for younger people, younger Filipinos.”

“Biruin mo, mayroon na tayong player, babae pa na nanalo ng 3rd Round sa Wimbledon. She’s really world class na talaga. She’s terrific,” dagdag pa niya.

Anang Pangulo, nakasuporta ang lahat ng Pilipino kay Eala. 

“She’s just getting started. Marami pang ibubuga ‘yong bata natin,” anang Pangulo.

Aniya, “It was a great result, great result, congratulations, Alex. Keep it up. We’re all be here. The whole Filipino nation is cheering you on.”

“Keep going, keep going, keep going, we are behind you,” pagtatapos ni PBBM.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipinang nakarating sa ikatlong round ng Grand Slam.

Susunod na makakalaban ni Eala sa ikaapat na round ng Wimbledon sa Lunes, Hulyo 6 si Jasmine Paolini ng Italy, para sa puwesto sa quarterfinals.

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, rumatsada sa Wimbledon; pinabagsak defending champion!-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, 'detoxifier at unifier,' ng Pinas!—Sen. Ping-Balita