GINAPI ni International Master Michael Concio Jr. ng Pilipinas si Fide Master Lik Zang Lye ng Malaysia  matapos ang 72 moves ng Philidors defense para makisalo sa liderato nitong Martes matapos ang four rounds sa online Zone 3.3 Zonal Chess Championships 2021 sa Tornelo  platform.

Ang 2019 Eastern Asia Juniors Chess Championships ruler ay umusad sa kanyang iskor na 3.5, katulad ng iskor na naitala ng kababayang si International Master Daniel Quizon at International Master Mohamad Ervan ng Indonesia.

Ang overnight co-leader naman na sina Quizon at Ervan na nag tagisan ng talino para sa solo leadership board ay nauwi sa fighting draw matapos ang 49 moves ng Sicilian defense.

Sina Concio at Quizon ay dalawa sa top players ng star-studded Dasmariñas Chess Academy na itinatag nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. at national coach Fide Master Roel Abelgas.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nagparamdam din ng lakas si Kimuel Aaron Lorenzo ng Cabuyao City, Laguna sa fourth round na nabigo kay lone Filipino Grandmaster Darwin Laylo sa second round.

Ang untitled na si Lorenzo ay ginulat si Fide Master Zhuo Ren Lim ng Malaysia matapos ang 43 moves ng Sicilian defense.

Si Lorenzo ay isa sa prize fighter ni Cabuyao City, Laguna head AGM Dr. Fred Paez ay unang nagwagi kay Richard Natividad ng Cebu sa first round at Arena Grandmaster Henry Roger Lopez sa third round.

Dahil sa natamong panalo ay nanguna si Lorenzo sa huge group ng 3 pointers na kinabibilangan ni fifth round opponent Fide Master Jagadeesh Siddharth ng Singapore, second seed GM Novendra Priasmoro, IMs Yoseph Theolifus Taher, Sean Winshand Cuhendi at Muhammad Lutfi Ali at Fide Master Pitra Andyka ng Indonesia.