July 16, 2026

Home BALITA Metro

Rep. San Fernando sa ₱85 umento sa sahod: 'Barya na naman!'

Rep. San Fernando sa ₱85 umento sa sahod: 'Barya na naman!'
Photo Courtesy: Eli San Fernando (FB)

Nagbigay ng pahayag si Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando kaugnay sa ₱85 na karagdagang sahod para sa lahat ng minimum wage earners sa National Capital Region (NCR), ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Francis Tolentino.

Sa panayam ng media nitong Martes, Hunyo 30, sinabi ni San Fernando na barya na naman ang bagong ibinigay sa mga manggagawa.

“Ang aming posisyon dito e barya na naman. 'Yong ₱85 e hindi na nga ibibigay nang buo, e, installment pa. ₱60 ngayong Hulyo at 'yong natitirang ₱25 pesos e sa January 2027 pa,” saad ni San Fernando.

Dagdag pa niya, “Ito mismo 'yong binabanggit ng mga manggagawa na hindi na talaga tumutugon sa current setting mechanism natin sa pamamagitan ng mga regional wage board doon sa pangangailangan ng mga manggagawa.”

Ayon sa kongresista, isaandaan hanggang dalawandaang piso ang kinakailangan umanong dagdag sahod upang maibalik ang nawalang halaga sa sweldo ng mga manggagawa.

Metro

‘Wala siyang kalaban-laban!’ Pamilya ng rider na nasawi sa pananaksak, humihingi ng hustisya

Tinatayang aabot sa 1.1 milyong daily earners ang makikinabang umano sa dagdag-sweldong ito, sabi ni Tolentino sa isang event sa Malabon Center Market nito ring Martes, Hunyo 30.

Maki-Balita: DOLE, inanunsyo ₱85 minimum wage increase sa Metro Manila