Tila buo ang tiwala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi magpapadala si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa ikinasang surprise protest at “pressure” o pandidiin ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument sa Quezon City umaga nitong Martes, Hunyo 30, 2026.
Batay kasi sa binasang pahayag ni INC Spokesperson Edwil Zabala, mariin umano silang tumututol sa pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa umano’y tinanggap nitong ₱75-million campaign donation noong 2025 elections.
Aniya, nagtataka umano sila kung bakit kakasuhan si Marcoleta gayong ito ang nagsiwalat ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: INC, nagtataka bakit kakasuhan si Marcoleta
Sa naging pahayag naman ni Lacson sa kaniyang “X” post nito ring Martes, Hunyo 30, sinabi niyang matigas daw si Remulla bilang isang Caviteño at naniniwala raw siyang hindi kailanman matatakot ang huli sa ikinasang rally ng INC maging sa panahong maisampa na raw ang plunder case sa Korte laban kay Marcoleta.
“Ombudsman Boying is tough as a Caviteño will always be,” pagsisimula niya.
Dagdag pa ni Lacson, “I trust that he won’t cave in to the INC rallies and pressure - not today, not tomorrow and certainly not when Sen Marcoleta’s plunder case is filed in court as earlier announced.”
Screenshot mula sa “X” post ni Lacson.
Buwelta ni Lacson, maaari daw harangan ng mga “backer” na INC ni Marcoleta ang EDSA at magpasimula ng traffic ngunit sigurado raw na handa ang Philippine National Police (PNP) para panatilihin ang kapayapaan ng publiko.
“His INC backers may block EDSA all they want and cause traffic jams and chaos to the discomfort of ordinary commuters,” aniya.
“Surely, the PNP will be there to maintain peace and order,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas tugon sina Remulla o Marcoleta kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Marcoleta, nang-gaslight na naman!—Lacson
KAUGNAY NA BALITA: 'Para sa lahat ng Pilipino!' Leviste, nakiisa sa 'surprise rally' sa EDSA