Binuweltahan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na ang kaso nitong plunder ay may kinalaman umano sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Ang isa pa pong inaasahan nila'y hindi na po ako makakasali do'n sa impeachment proceedings na nakatakda pong magsimula sa isang linggo. So talagang maliwanag na planado po ito, mga kababayan,” saad ni Marcoleta sa isang video statement nitong Martes, Hunyo 30.
Ngunit ayon kay Lacson, nang-gagaslight na naman umano si Marcoleta.
“It’s gaslighting time once more. The mention of nine senators being possibly incarcerated was a hypothetical statement in the context of determining the base number to compute the constitutional requirement of 2/3 vote of all senators actively participating or not in the impeachment trial,” anang senador.
Matatandaang naghayag ng pangamba si Lacson kamakailan na maaaring pumagitna ang Korte Suprema sa usapin ng impeachment upang tugunan ang umano'y posibleng absurdity na humantong ito sa acquittal kung sakaling hindi bababa sa 9 na senator-judges ang makukulong.
Nauna nang inaresto sa mga senador si Sen. Jinggoy Estrada noong Hunyo 1 dahil sa plunder case kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Maki-Balita: CIDG, nilinaw na walang nagkasyang 'size' na detainee shirt kay Sen. Jinggoy
Samantala, si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa naman ay kasalukuyang nagtatago matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) na lehitimo ang arrest warrant laban sa senador.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP