June 04, 2026

Home BALITA

CIDG, nilinaw na walang nagkasyang 'size' na detainee shirt kay Sen. Jinggoy

CIDG, nilinaw na walang nagkasyang 'size' na detainee shirt kay Sen. Jinggoy
Photo courtesy: Contributed photo

Ipinaliwanag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) na kakulangan sa oras at ang kawalan ng damit na akma sa pangangatawan ni Sen. Jinggoy Estrada ang dahilan kung bakit nakapatong lang ang detainee shirt niya sa inilabas na mugshot.

Sa panayam ng media, sinabi ni CIDG NCR Chief PCOL John Guiagui na kinakailangan noon na agad na maihatid si Estrada sa Sandiganbayan kaya hindi na nagkaroon ng sapat na panahon upang maghanap ng mas angkop na kasuotan para sa kaniya.

"May time constraint... kasi kailangan na namin siyang i-deliver sa Sandiganbayan... Walang magkasya na damit sa kaniya... Lahat na ng damit na available sa amin, pinasukat namin, hindi talaga magkasya doon sa built ng katawan niya... During the urgency, hindi naman na kami makakuha pa ng ibang sizes... e kailangan nang i-deliver namin sa Sandiganbayan," ani Guiagui nitong Huwebes, Hunyo 4, 2026.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng muling pag-usbong ng usapin hinggil sa mugshot ni Estrada kung saan makikitang nakasuot lamang siya ng dilaw na detainee shirt habang napapalibutan ng mga awtoridad.

Ayon kay Guiagui, hindi sinadya ng mga awtoridad na ilagay si Estrada sa isang nakahihiyang sitwasyon, kundi bahagi lamang ito ng agarang pagsasagawa ng kanilang tungkulin sa gitna ng limitadong oras at mga available na kagamitan noong panahong iyon.

National

Karton ni VP Sara, bida sa kinasang b-day celebration niya ng mga DDS sa US

Si Estrada ay kabilang sa mga kinasuhan at naaresto dahil sa plunder case kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ito na ang ikatlong plunder case ni Estrada matapos siyang masangkot sa kaparehong reklamo noong 2001 kasama ang kaniyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at noong 2014 kaugnay naman ng kontrobersyal Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ang tatlong plunder cases na tumira kay Sen. Jinggoy

Si Estrada ay naaresto noong Lunes, Hunyo 1 matapos siyang sumuko noon sa CIDG na sumundo sa kaniya sa loob ng Senado.