ni LEONEL  ABASOLA

Iginiit ni Senator Leila de Lima na kailangang  suportahan ang mga community pantry na nagsulputan sa buong bansa sa halip na pag-initan ng pamahalaan.

Aniya, kailangan din na maging mag-kaibigan ang mga organisador at gobyerno sa halip na i "red tag" ang mga ito at pagbintangang mga communist supporters.

Hindi rin nito pinalampas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat hintayin na lamang ng mamamayan ang ayuda ng pamahalaan sa halip na tangkilikin ang mga pantry.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

“Sabi ni Duterte hintayin daw ang ayuda ng gobyerno imbes na pumila sa community pantries. Kailan pa darating ang tulong ng gobyerno? Kumakalam na ang sikmura ng mamamayan kakahintay at hindi yun matutugunan ng patuloy na lockdown at makupad na kilos ng gobyerno,” sabi pa nito.