ni LEANDRO ALBOROTE

Isang lalaki na may kasong frustrated homicide ang nalambat ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-1 sa Sitio Sampaguita, Barangay Buhilit, Tarlac City kahapon ng umaga.

Ang pag-aresto ay pinangunahan ni Police Lieutenant Michael D. Tiamzon, precinct commander, at hindi nakapalag ang suspek na si Armando Ambrocio, 59, ng Barangay 1, San Nicolas, Ilocos Norte, at kasalukuyang nakatira sa Sitio Sampaloc ng nasabing barangay.

Ang Warrant of Arrest sa kasong frustrated homicide ay inisyu ni Judge Manuel L. Argel, Jr. ng RTC, First Judicial Region, Branch 65, Laoag City na may piyansang P24,000.00.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pina-check up muna ang suspek sa Tarlac Provincial Hospital para matukoy ang kanyang kalusugan bago dinala sa pulisya at harapin ang kanyang kaso.