ni NEIL RAMOS

Lumikha ng ingay sa social media si Kapuso actress Kim Rodriguez matapos itong mag-upload ng ilang larawan niya na naka-bikini.

Habang may ilan na pumuri sa effort ni Kim, may ilan ding na pumuna rito.

Apparently, marami ang nag-akala na nag-hiking ang aktres habang nakasuot ng bikini.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Upang patahimikin ang kritiko, naglabas ng pahayag si Kim.

“Hindi po ako nag-hike ng naka-bikini,” paglilinaw ni Kim sa pamamagitan ng Instagram.

“No-HIKE mountain ang Treasure Mountain, and they even have a swimming pool and waterfalls,”dagdag niya.

Upang patunayan, nagpost din ang aktres ng kanyang photos habang paakyat ng bundok.

At para naman patunayan na kailangan ang bikina, ipinost din niya ang mga photo habang nagsi-swimming.