NAITULAK ni Gio Troy Ventura ng Dasmariñas City, Cavite ang importanteng panalo kontra kay Mark James Marcellana ng Santa Rosa, Laguna sa ninth at final round para makopo ang titulo ng PSC-NCFP Selection Quarter Finals Men's online chess tournament nitong Biyernes sa Tornelo platform.
Matapos matalo kay Emmanuel Asi sa first round, nakabalik sa kontensiyon si Ventura para talunin sina Janmyl Dilan Tisado sa second round, Michel Jackson Ambuang sa third round at Christian Marcelo Olaybal sa fourth round.
Tabla siya kay Freddie Talaboc sa fifth round bago pinadapa sina Cedric Daniel Macato sa sixth round, John Jasper Laxamana sa seventh round, Jarvey Labanda sa eight round at Mark James Marcellana sa ninth and final round.
Ito ang kinakailangan ni Ventura tungo sa korona at highest output 7.5 points.
Ang 14-year-old Ventura na Grade 8 student ng Dasmariñas Integrated High School na suportado ang kanyang kampanya nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr., national coach Fide Master Roel Abelgas, Grandmaster Darwin Laylo at Chester Caminong ay sariwa pa sa pag kampeon sa Under-15 divsion ng 2021 National Youth & Schools Online Chess Championships - Southern Luzon Leg nitong Abril 7, 2021.
Lumagay naman si Laxamana sa second place honors na may 7 points.
Nakapagtala naman sina Labanda at Alfred Moulic ng tig 6.5 points tungo sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod.
Mga nakapasok sa top 10 na may tig 6 points ay sina Marcellana, Talaboc, John Kenneth Gelua, Joseph Lawrence Rivera, Jasper Faeldonia at Leonardo Navarro.
Samantala ay nakipag draw si Woman National Master Francois Marie Magpily kontra kay Lexie Grace Hernandez sa last round tungo sa 8.5 points sa nine outings para maiuwi ang korona sa Women's division.
Nanguna naman si Woman Fide Master Samantha Glo Revita sa huge group ng 6.5 pointers na kinabibilangan nina Rinoa Mariel Sadey, Justnin Macapuno, Franchesca Largo, Hernandez at Melizah Ruth Carreon.
Bida din sina Mary Joy Tan, Ruelle Canino at Samantha Babol Umayan sa 8th hanggang 10th placers na tig 6 points.