ni MERCY LEJARDE
Handog sa mga Kapuso ngayong Linggo ang mga pelikulang puno ng saya, adventure, at kilig para sa Kapuso viewers ngayong Linggo (Mayo 2).
Makikilala ng bidang si Gru ang kaniyang long-lost twin brother na mas masayahin at asensado. Magpapatulong ito sa kaniya para sa kanilang huling criminal heist sa Despicable Me 3 na mapapanood sa Kapuso Movie Festival.
Sa GMA Blockbusters, sagot naman ng mga paboritong karakter sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers ang tawanan at mahiwagang viewing experience. Matapos ang nakaraang adventure ni Enteng, naging kumportable na siya sa kaniyang buhay bilang isang businessman at mapagmahal na lolo habang ang anak niya ay busy sa pagiging law enforcer. Hindi niya alam na may paparating pa lang kapahamakan at kakailanganin niya ulit iligtas ang mundo laban dito.
Samantala sa Telesine Presents, tunghayan naman ang nakakakilig na pelikulang P.S. Love and Kisses. Tampok dito ang kuwento ni Jakey (Ian De Leon), isang lalaking desididong mahanap kung sino ang nagbigay sa kaniya ng misteryosong sulat. Magtagpo kaya ang landas nila ng babaeng nagpadala nito at nagpatibok ng kaniyang puso?
Huwag palalampasin ang lahat ng ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays; GMA Blockbusters pagkatapos ng All-Out Sundays; at Telesine Presents pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.