ni STEPHANIE BERNARDINO

Kanya-kanyang react ang ilang celebrities sa latest post ni singer-actress Angeline Quinto sa isang larawan na tila guesting sa Raffy Tulfo in Action program kasama ang kanyang former boyfriend na si Erik Santos.

“Maayos tayong nag umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs @eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy,” caption ni Angeline.

Bagamat edited lang ang picture, game naman na sumakay sa biruan si Erik.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Erik, Raffy at Angeline

“Bakit kailangan tayo umabot kay Tulfo Ge??? Sana pinag usapan na lang natin ng maayos ang lahat,” komento ni Erik.

Aliw na aliw ang mga celebs sa post na ito, na napakomento ang mga kapwa nila singer na sina Liezel Garcia at Kyla ng laughing emojis.

“HAHAHAHA tawang tawa nanaman ako,” dagdag ni Darren Espanto.

Komento naman ni Klarisse de Guzman: “Hahahahaha!! Tuloy ang kaso.”

Una rito, nakipag-collab na si Raffy Tulfo kina Alex Gonzaga, Ivana Alawi, Zeinab Harake sa pamamagitan ng isang prank.

Samantala, naitampok na sa Raffy Tulfo in Action ang ilang celebs tulad nina Lani Misalucha, Jayzam Manabat, at Camille Trinidad.