ni DANNY ESTACIO
Tatlo ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang pick-up sa isang trailer truck, sa bahagi ng Quirino highway, barangay San Isidro, Tagkawayan, Quezon, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Jessanto Abellon, 46, driver na taga-Caloocan City; Jocelyn Perez, 46; at Dandy Perez, na kapwa residente ng Gen. Trias, Cavite. Habang ang drayber ng truck ay kinilalang si Reymar Ayapana.
Dakong 11:45 ng gabi sakay ang mga biktima ng Toyota Hi-Lux na may plakang DAL 7822 habang binabagtas ang nasabing lansangan sa direksyon ng Bicol.
Pagsapit sa nasabing lugar ay nag-overshoot umano ang sasakyan ng mga biktima dahilan upang lumihis sa kanyang linya at bumangga sa truck.
Naisugod pa ang mga biktima sa Ma. Eleazar District Hospital subalit idineklarang dead on arrival.
Kasakuluyan namang nakapiit ang drayber ng truck sa Tagkawayan custodial facility.