TATLONG pinaghihinalaang drug pusher ang naaresto ng mga awtoridad matapos na masamsaman ng P3.4 milyong halaga ng illegal drugs sa Maguindanao nitong Huwebes.
Nakilala ang mga suspek na sina Candao Tugaya Mamalacat, 41, Rahim Baluno Abusama, 27 at Mujahid Baluno Abusama, 20, pawang taga-Bgy. Liong, Datu Piang sa naturang lalawigan.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director Juvinal Azurin, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa Bgy. Buayan Datu Piang, katuwang ang mga tauhan ng Special Action Force at Philippine Army.
Bukod sa droga, nakumpiska rin sa mga ito ang buy-bust money, iba’t ibang identification card, 3 cellphone, isang multicab na pick-up at NMAX motorcycle.
Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Fer Taboy