ni DANNY ESTACIO

SAN FRANCISCO, Quezon --Tinagpas ng itak ang braso at binaril sa paa ang isang magsasaka ng kaalitan ng kanyang pamilya sa sitio Kalantas, Barangay Pugon, Martes ng tanghali sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Victorio Salazar, 26, at ang suspek na si Rico Mondillo, 26, computer technician, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Dakong alas-12 ng tanghali, nag-aani umano si Salazar ng mga tanim na mais nang bigla na lamang itong sugurin ni Mondillo na armado ng itak at baril.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Inutusan umano suspek ang isa sa mga magsasakang nasa lugar na talian ang kamay at piringan ang biktima, habang nakatutok ang baril, at saka tinaga ng suspek ang kanang braso na sinundan ng pagbaril sa kanan nitong paa.

Isinugod ang biktima sa San Francisco Municipal Hospital.

Nakatakas naman ang biktima na patuloy na pinaghahanap ng San Francisco PNP upang panagutin sa krimen.