Ni Edwin Rollon

ALCANTARA – Nagawang mahigpitan ng KCS Computer Specialist-Mandaue City ang matikas na ratsada ng ARQ Builders Lapu-Lapu City sa krusyal na sandali para maitakas ang 75-66 desisyon Biyernes ng gabi at patatagin ang kampanya sa second round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Bumalikwas ang naghahabol na ARQ, tampok ang 9-0 run para maibaba ang bentahe ng Mandaue sa anim na puntos matapos maibaon sa pinakamalaking kalamangan na 57-72 may 1:06 ang nalalabi sa laro.

Naibalik naman ng KCS ang wisyo sa malapader na depensa na tumuldok sa scoring run ng karibal at maisalba ang laro para sa ikalimang sunod na panalo sa six-team double round elimination na itinataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

"Great execution and everybody is doing their job. We followed the game plan and it paid off," pahayag ni KCS assistant coach Jabby Bautista. "Though may lapses sa endgame but still the defense won it for us."

Nauna rito, nahila ng title-favorite MJAS Zenith-Talisay City ang dominasyon nang durugin ang Tabongon, 104-75, para sa ikalawang sunod na panalo sa second round matapos ang impresibong sweep sa first round.

Mas matikas at mas malupit na Aquastars ang nakaharap ng Tabongon sa larong halos alam na ang kaganapan matapos maitarak ang 19 puntos na bentahe, 47-28, sa second period.

Nanguna si Dyll Roncal sa KCS-Mandaue sa naiskor na 14 puntos, habang kumana si Michole Solera ng 10 puntos at tumipa si Al Francis Tamsi ng tatlong three-pointer para patatagin ang kapit sa ikalawang puwesto tangan ang 5-1 karta.

"Good thing na nangyayari yung mga ganon situations that the other team is making a run para the team will know what to do if mangyari ulit sa next games," sambit ni Bautista.

Nanguna sa Heroes si Reed Juntilla na may 18 puntos, habang umiskor si Dawn Ochea ng siyam na puntos at 14 rebounds. Bagsak ang ARQ sa 3-4 kasoyon ng Tabongon.

Iskor:

(Unang Laro)

Talisay City (104) — Dela Cerna 14, Gimpayan 14, Jamon 12, Cabahug 11, Moralde 11, Mojica 11, Casajeros 7, Mabigat 6, Hubalde 4, Menina 4, Egilos 3, Cuyos 3, Santos 2, Villafranca 2, Acuña 0.

Tabogon (75) — Bringas 14, Lacastesantos 14, Diaz 13, Bersabal 10, Orquina 9, Caballero 6, Sombero 4, Vitug 3, Delos Reyes 2.

Quarterscores: 20-16, 47-28, 73-47, 104-75

(Ikalawang Laro)

KCS-Mandaue 75 - Roncal 14, Solera 10, Tamsi 9, Cachuela 8, Mercader 7, Bonganciso 6, Imperial 5, Octobre 5, Delator 4, Mendoza 4, Soliva 3, Castro 0.

ARQ Lapu-Lapu 66 - Juntilla 18, Ochea 9, Tangkay 9, Lusdoc 9, Minguito 7, Arong M. 7, Arong F. 4, Galvez 2, Berame 1, Mondragon 0, Solis 0, Abad 0.

Quarterscores: 27-7, 44-30, 60-44, 75-66.

Talisay City (104) — Dela Cerna 14, Gimpayan 14, Jamon 12, Cabahug 11, Moralde 11, Mojica 11, Casajeros 7, Mabigat 6, Hubalde 4, Menina 4, Egilos 3, Cuyos 3, Santos 2, Villafranca 2, Acuña 0.

Tabogon (75) — Bringas 14, Lacastesantos 14, Diaz 13, Bersabal 10, Orquina 9, Caballero 6, Sombero 4, Vitug 3, Delos Reyes 2.

Quarterscores: 20-16, 47-28, 73-47, 104-75