ni LIEZLE BASA IÑIGO

VICTORIA, Tarlac –Dinampot ng pulisya ang anim na lalaking nagpapanggap na tauhan ng Land Transportation Office (LTO) Flying Squad sa nasabing bayan, nitong nakaraang Martes.

Nakilala ang mga ito na sina Val Petacil, ng Sto. Rosario, Sto. Domingo; Emil Bautista, 53, ng Rajal Centro, Sta. Rosa; Conrado Naga, 57, ng Sta. Arcaja, Cabanatuan City; Francisco Maningas , 57, ng Bgy. Rajal Centro, Sta. Rosa; Romeo Palon, 57, ng taga-Bgy. Sta. Arcaja, Cabanatuan City; at Arcadio Rombaoa, ng Bgy. Solidad, Sta. Rosa, pawang sa Nueva Ecija.

Sa ulat ng pulisya, nagpapanggap umano ang mga ito na tauhan ng LTO at hinuhuli ang mga motorista sa Victoria-La Paz, malapit sa Bgy. Cruz.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nasamsam sa mga suspek ang mga pekeng ID ng LTO, LTO uniforms/jackets, dalawang kotse, P10,560 cash at limang cellular phone.

Nahaharap ang mga ito sa kasong Usurpation of Authority.