ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang taxi driver nang barilin ng isang lalaking tinanggihan umano nitong isakay sa Barangay Mayamot, Antipolo City kamakalawa.

Ang biktimang nakilalang si Regie Sagusay, taxi driver, ay binawian ng buhay matapos na barilin ng suspek na si Rudyard Gregorio.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa isang carwash, sa Marcos Highway, Bgy. Mayamot.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nilapitan umano ni Gregorio si Sagusay at sinabihan itong ihatid siya patungo sa kanyang ‘di tinukoy na destinasyon.

Gayunman, tumanggi umano ang biktima dahil pauwi na siya matapos ang magdamagang biyahe.

Ngunit ikinagalit ito ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima.

Nang makita naman ng suspek na duguan na ang biktima ay mabilis na itong tumakas.