ni LEANDRO ALBOROTE

Nakatangay ng malaking halaga ng alahas at pera ang Akyat Bahay Gang nang looban ang tirahan ng isang negosyanteng babae sa GSIS Avenue Street, Fairlane Subdivision, Barangay San Vicente, Tarlac City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Police Corporal James S. Ong, investigator-on-case, ang biktima ay si Roden Angel De Guzman, 37, may-asawa, na natangayan ng tatlong gold bangles na aabot sa halagang P30,000; gintong kuwintas at gintong hikaw na tinatayang aabot din sa malaking halaga, at Euro money na aabot sa P5,000.

Napag-alaman na dakong 8:30 ng umaga ay umalis ng bahay ang biktima at binisita niya angkanyang bukirin sa San Jose, Tarlac at anganak nitong babae ay umalis din para sa kanyang school project.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nang umuwi si Ginang De Guzman at siyasatin ang CCTV sa kanilang bahay ay doon natuklasan ang pagnanakaw at kaagad inireport sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.