ni STEPHANIE BERNARDINO
Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang influencer na si Jayzam Manabat kaugnay ng eskandalong kinasasangkutan nito.
Sa show nitong Raffy Tulfo in Action, inireklamo ng dalawang babae, na sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo ang JaMill dahil sa pandadamay ng kanilang pangalan sa gulo.
Gayunman sinabi ni Jayzam na sa halip na depensahan ang kanilang sarili, dapat ay tinanggap na lamang niya at ng dalawang babae ang galit ng kanyang live-in partner na si Camille Trinidad.
“Sa akin naman po ‘yung salitang sorry iisang salita lang naman po yan eh, pero ‘di ko po narinig sa dalawang nagsalita. Wag na po sana isipin yung pagmamalinis nung imahe po nila kasi ako po hindi ko na po inisip yan,” pahayag nito kay Tulfo.
“Ang mahalaga lang po sana ay mag stick na po kami sa katotohanan, sabay-sabay po kami mag forward kasi ako din naman po, nawalan din po ako ng magandang imahe sa publiko,” giit pa ni Jayzam. “Nagbalikan po sa akin yung mga sinabi ko nuon about loyalty kasi hindi ko rin po alam na aabot po ako sa ganitong problema.”
“Kaya yun po, para sa akin po sabihin na po nila lahat sa akin, lahat po ng mali kasi mali po talaga ako. Pero wag na wag naman po sana nila kwestyunin yung karapatan ni Camille na magalit sa katotohanang nalaman po niya.”
Sumang-ayon naman si Raffy, na nagsabing mas mabuti para sa bawat isa kung hihinga sila ng tawad kay Camille.

Mabilis naman na nagpahayag ng pagsisisi si Nyca sa nangyari.
“Sa akin po mag so-sorry po ako dun sa part na alam kong nagkamali ako,” anito.
“Nagkausap na po kasi kami ni Camille sa phone and yun naayos… hindi ko po alam kung naayos namin dun lahat pero sinabi ko naman po sa kanya yung naging pagkakamali ko. Pero dito, since nandito ka na Camille, I know na nasaktan ka, nasaktan din naman ako.”
Sinundan ito ng paghingi ng tawad sa pagiging “selfish” nito.
“Gusto kong mag-sorry sa pagkakataon na dahil pinili kong magmahal, sa pinili kong maging masaya, na bulag ako sa katotohanan na pwede kitang masaktan,” saad a ni Nyca. “And I faced the consequence naman na kasi pati po yung pagkatao ko nayurakan, yung image ko na matagal kong inalagaan is nasira na po.”
“Pero gusto kong mag sorry dun sa naramdaman mo kasi alam ko hindi yun biro at babae din ako, naiitindihan kita. And sana sa darating na araw na to is matuto tayo sa lahat ng pagkakamali kasi after everything lagi naman tayo may pagkakataon para magbago. Never magiging sukatan ng kakayahan mo, never magiging sukatan ng pagkatao mo yung minsang pagkakamali na napili mong gawin.”
Samantala, tumanggi naman si Dambie na humingi ng tawad, sa pagsasabing: “Hindi ko po kasi makita kung saan ako nagkamali, kasi hindi naman po ako… Biktima rin naman ako dito.”
Sumingit naman ang ina ni Dambie at nagpaliwanag, “Gusto ko lang pong linawin ulit kasi hindi po ma-express nung anak ko. Si Dambie po kasi hindi niya mahanap yung dahilan kung bakit kailangan niya po magsorry kay Camille, eh si Camille po ang nag post sa anak ko, na yung anak ko po ay dinamay lang po nila. Idinamay po nila yung anak ko, wala naman pong relasyon yung anak ko kay Jayzam.”
“Bakit po mag so-sorry si Dambie? Dapat nga po sila. Kaya nga po kami lumapit sa inyo dahil gusto po namin linisin yung pangalan ng anak ko dahil hindi naman po nagkaroon ng relasyon yung anak ko tsaka si Jayzam.”
Sinagot naman ito ni Camille, at ibinunyag sa ina ang umano’y ginagawa ni Dambie.
“Gusto ko lang din pong sabihin sa anak niyo na bago siya sumakay ng sasakyan namin and nakipaghalikan sana po bukas po yung isip niya bago niya gawin yun at bago po kayo mag reklamo,” pakli ni Camille.
“At bago po siya mag-isip kung bakit hindi namin siya sinisisi eh abot po ang send ng anak niyo ng s*so sa boyfriend ko. Sana po alam niyo rin. At alam niyo rin naman po na may anak yung anak niyo. May pamilya na po yan pero bakit niya po pinili maging ganyan?”
“Ang pagkakasabi rin po sa akin ni Jayzam eh gusto niya rin maging ‘sugar daddy’ si Jayzam. Alam niyo po ba yun? Alam niyo po ba yun, Ma’am?”
Mabilis naman itong tinugon ni Dambie na sinabing hindi naman iyon ang ibang niyang sabihin.
Tugon ni Camille, “Alam mo Dambie, ang b*bo mo. Literal.”
Sa kabila nito, iginiit pa rin ni Dambie, na “namanipula” lamang siya na gawin iyon.
Muling sagot ni Camille, “Alam mo tatanggapin mo na lang yung ginawa mo hindi mo pa magawa. Chat ka ng chat sa akin ‘Wow ang sexy mo,’ ‘wow ang ganda mo’ tapos ganyan pala ang gagawin mo sa akin? Anong klaseng pagkakaibigan yan Dambie? Hindi ka na nahiya sa pamilya mo. Jusko isipin mo yung utak mo hindi puro s*so ha! Sira ulo ka ba? Dapat hindi ka nakikipag landian kung alam mong may kabahay na. Nakikipag halikan ka pa!”
Sagot ni Dambie: “Bakit ako ba? Ako ba nag insist? Ako ba lumandi? Hindi naman di ba?”
Sa init ng bangayan, sa huli sinabi ni Jayzam na, “Sir Tulfo, pasensiya na po, ako na po aawat para hindi na po mapunta sa kung saan po ito. Ako po talaga ang may kasalanan. Sadyang nadadala lang po ng galit si Camille. Naiintindihan ko po. Pasensiya na po talaga kasi kasalan ko po talaga to Sir Tulfo. Ako po talaga’y humihingi ng pasensiya kasi hindi naman po ito mangyayari kung hindi ko rin po talaga ginusto. Kasalanan ko po talaga. Hinihiling ko po na sana makapag move forward na po tayo. Haharapin ko po ito bilang lalaki. Sana po hindi na to lumaki lalo.”