ni LIGHT A. NOLASCO

Napasakamay na ng pinagsanib na puwersa ng Talavera PS, PIU-NE at CIDG-NE ang isang 57-anyos na babae na akusado sa kasong 'estafa' makalipas ang 5-taong pagtatago sa batas nang matunton ang hideout nito, kamakalawa ng hapon.

Pinangunahan ni PLt.Col. Heryl L. Bruno, police chiefang manhunt operation sa Barangay Andal Alino ng Talavera, Nueva Ecija.

Dakong 3:00 ng hapon nang makorner ang suspek na si Lilia Tolentino y Moraleda, 57, ng nasabing barangay na mapayapang sumuko sa mga awtoridad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabasni Judge Nelson Tribiana, RTC-Br. 37 ng Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija at pinaglalagak ng piyansang P60,000 para sa pansamantalang paglaya nito.

Nasa kustodiya na ng Talavera Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.