ni ROBERT REQUINTINA

Tumanggap ng mainit na pagsulong si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo mula sa pageant fans sa kanyang pagdating sa Fort Lauderdale, Florida para sa 69th Miss Universe competition.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines, ang ilang snaps at video ng pagdating ni Rabiya sa Florida. Kasama ng kandita ang iba pang miyembro ng Philippine delegation sa coastal area.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Rabiya

Hindi naman aware si Gaffud kung dumating na rin ang iba pang kandidata sa host City. Mula Mayo 6-7, inaasahan darating ang mga opisyal na kandidata sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino para sa kanilang lodgings. Hindi naman nakalimutang magpasalamat ni Gaffud sa mga supporters ni Rabiya sa kanyang Miss Universe journey.

“Our team has been very careful the whole time coming here to the US. Thank you, Lord, for the guidance and sending so many angels helping us along the way,” ani Gaffud.

Nang matanong hinggil sa aktibidad ni Rabiya ngayong buwan, sinabi ni Gaffud na: “For now, focus lang muna kami sa trainings, and health protocols.”

Una nang sinabi ni Gaffud na battle-ready na si Rabiya.

Higit 70 kandidata ang nakatakdang maglaban-laban para sa titulong Miss Universe 2020 sa Hollywood, Florida sa May 16 (May 17 sa Maynila).