ni Light A. Nolasco
CUYAPO, Nueva Ecija-------Inaresto ng mga awtoridad ang isa umanong tinaguriang 'high value target' na kagawad ng barangay matapos ang anim na araw na 'surveillance' ng mga tauhan ng DrugEnforcement Unit (DEU) ng Guimba Police Station sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Diatrit 6 ng naturang bayan nitong Biyernesng alas-12:30 ng madaling-araw.
Kinilala ni PLt. Cil. Erwin Ferry, Cuyapo Polica chief ang suspek na si Sonny Agustin Balcorta, residente ng Brgy. Bulala makaraang mag-benta ng 2 plastic sachet ng umano'y shabu sa isa umanong police poseurbuyer. Sinabi ni Ferry na si Balcorta ay isa umnong high value target sa lugar matapos ang 6-day surveillance ng drug operatives.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Actsof 2002 ang inihaing jkaso sa Povincial Prosecutor's 0ffice laban sa auapekhabang naka-detine sa police custodial male facility para sa kaukulang disposisyon.