ni ROBERT REQUINTINA

Muling masasaksihan ng mga Pilipino ang “most beautiful day in the universe” dahil mapapanood sa free TV via A2Z channel ang live telecast ng “The 69th Miss Universe Competition” sa pamamagitan ng official partner nito, ang ABS-CBN.

Abangan si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa kanyang pakikipagtagisan ng ganda at talino kasama ang iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sa Lunes, May 17, mula 8 am sa A2Z, at replay 10 pm.

Relasyon at Hiwalayan

'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa

Rabiya

Gaganapin ang pageant, sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA na mapapanood din sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel sa May 23, 9:45 pm. Maaari ring ma-stream sa Pilipinas ang replay nito online sa iWantTFC.

Habang may chance pa ang ibang viewers na mapanood ito sa cable TV via Metro Channel sa May 24, 12 nn at 10 pm, May 26, 5 pm, at May 29, 8:30 am.

Kasalukuyan nang nasa United States of America para sa pre-pageant activities ang 24-anyos na beauty queen mula Iloilo City, na lumikha ng ingay kamakailan dahil sa kanyang recent photo shoots.

Sa isang ABS-CBN News report, nabanggit ang pahayag ni Rabiya na, “Sa mga kababayan ko sa Pilipinas, nandito na ako ngayon sa Los Angeles. Pinapangako ko na gagawin ko lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan.”

Armed with grace and confidence, umaasa si Rabiya na makapagdala ng saya at pagkilala sa bansa sa pagtatangka nito na muling makuha ang korona tulad ng mga matagumpay na beauty queens na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach, na nagwagi sa prestihiyosong kumpetisyon noong 2018 at 2015, sa pagkakasunod. Naiuwi rin ng Pilipinas ang korona noong 1969 (Gloria Diaz) at 1973 (Margie Moran).