Inamin ng aktor na si Wendell Ramos na minsan na rin daw siyang nakatanggap ng indecent proposal noong kapanahunan niya.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Mayo 28, sinabi niyang marami umano siyang natanggap na idecent proposal na posibleng dahilan para tamarin na siyang magtrabaho noon.
“A lot. [...] Hindi mo alam kung seryoso ba, Tito Boy, but it's kind of flattering kasi parang 'Wow! 'Yong mga inaalok nila...parang puwedeng tamarin ka na, maging reason para tamarin ka nang mag-work,” lahad ni Wendell.
Ayon sa aktor, ilan umano sa kapalit ng pagpayag niya sa alok ay sasakyan, bahay, at milyon-milyong pera. Kaya posibleng matukson rin umano ang sinomang sakaling mahina ang loob nito.
“Hindi ko sinasabing perpekto ako, Tito Boy. Pero puwede kang kainin ng situation. Puwedeng maging reason ng downfall mo sa work mo,” dugtong pa niya.
Kaya ito umano ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay pinagpala pa rin siya dahil naiahon niya ang kaniyang pamilya sa tulong ng Diyos at ng pagsisikap niya.